<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d3230009164497011542\x26blogName\x3dBeyond+Words.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLACK\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://tobleronie.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://tobleronie.blogspot.com/\x26vt\x3d3396187389584754469', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
http://Tobleronie .blogspot.com ♥
Saturday, August 1, 2009

"UPCAT"

August 1, 2009. 6:30 AM.
-Ayan ung schedule ko sa UP Diliman para magtake ng entrance exam. Naisipan ko i-blog kasi madaming bago at nakakatuwang experiences. Anu-ano?

ASAN NGA BA AKO ULIT?

WTF, anlaki ng UP! Akala mo Village o Subdivision. Kelangan mo magtaxi or jeep para makarating ka lang sa building na pupuntahan mo. Pag naglakad ka, anung petsa na. Nakakatakot tuloy pag uuwi. Oyy, assuming si Roni ee ASAness na papasa. (Sana naman pumasa ako!) HAHA.


PAKINGSY*T! PAMBURAAA!!!

Oo. Wala akong eraser. Anong klaseng examinee ako di ba? TAN-di-ey. Kelangan kasi talaga ng eraser. Pencil kasi ang gamit namin sa pagsasagot ng exam. So, nanghiram ako sa klasmeyt ko na kasabay ko papuntang UP. Nasa taxi pa kami nun nung napansin kong wala pala akong dalang pambura. Dahil mabait naman yon, pinahiram nia 'ko. KASO, nawala ko. Oo, double TAN-dyi-ey. Kaya kung nababasa nia 'to ngayon, ee SORRY. Di ko talaga sadya. Alam ko kasi nasa bulsa ko lang yon. Tapos magic nawala bigla. Okay, marahil nagtataka kayo kung bakit kelangan ko pa ng eraser ee ung pencil ko naman mongol # 2 na may pambura. Yun na nga, pudpod na yung pambura ng pencil na dala ko. Sayang, me pantasa pa naman akong dala. Kaso eraser talaga kelangan ko. Totoo nian, dalawang pencil yung dala ko, parehas pudpod ung pambura. Nung pinapasok na kami sa designated room namen, naghanap ako ng may EXTRA eraser. Una kong tinanong si Hang Sun Juk. Korean siya. Nag-alangan pa 'ko kung dapat ko bang sabihin: "Klasmeyt, me pambura ka pa? Eram!" -feeling close di ba. Eto din: "Annyong Haseyo! *inaact kung anong itsura ng eraser at ipinahiwatig na kelangan ko talaga non*. But I ended up using english language: "Hey excuse me, do you have any extra eraser?" Umiling lang siya na wala. Tae, nahirapan ako dun pero wala din! Pero, me isa pa naman akong katabi. Ganda nia, chickabeybs. HAHA :))))) Tatlo kasi ung mongol pencil nia, bago pa, di pudpod ung eraser. So sabi ko: "Hey, gagamtin mo ba yan lahat?" -nagtagalog ako kasi mukhang pinay. Sabi nia "Oh, I don't know. I'm not sure." Tae englishera. HAHA! Hindi na 'ko bumanat ng english ee, kasi alam kong naiintindihan nia naman ung tagalog. Kaya nia nga nasagot tanong ko ee. DUH? Sabi ko na lang: "Ayy, pwede pag di mo nagamit, bilhin ko na lang ung isa? Wala kasi akong pambura ee!" Nag-agree naman siya. SAFE!


PABILING FRIENDS!

Wala akong makausap. Wala akong kilala. Madaming tao. Masikip (phobia yan). Lahat ng friends ko, magkakaiba kami ng building. Sa COLLEGE OF ARTS AND LETTERS BUILDING ako ee. Tas ung mga tao pa dun, akala mo Doom's Day! Hindi marunong ngumiti! Lahat seryoso. So nawalan ako ng ganang makipagkilala sa iba. Which is hindi ko naman ugali talaga. HAHA. Masungit ako ee! Tas nung nagsstart na kami sa exam, lahat tahimik, busy, tapos biglang me bumahing!! (umachooo). Anlakas grabee! Tapos nakakahiya. Tumawa ako. Napalakas ng konti (konti?) Imbis na ung bumahing ung pagtinginan, ako tuloy ngayon. Kasalanan ko ba. Ee di ko napigilan. Ee sila wala man lang reaction. Kahit siguro tumambling ako dun, wala silang pake.


ANO DAW?

Dyuskopooo! Ang mga katakot-takot na tanong sa Mathematics at Science. Okay yung English and Filipino ee. (Sa totoo lang, ung mga ni-review ko, ni isa ata walang lumabas! Buti na lang di ko kinarir ung pagrereview) Ung mga terms, naaalala ko lang na na-encounter ko na dati, pero ayun, hula hula hooop! Wala ee. Me time limit kasi. So PRESSURE talaga yoooon. Most of the questions in Science, sa CHEMISTRY! Ee langhiya, ni minsan di ko nagustuhan yon. At di ako nakikinig nung 3rd year ako nun. Adviser and first subject pa naman. One hour and 20 or 40 minutes ata kasi ung Chemisty namen nung 3rd year. Gusto ko na agad mag-break. :DDD


HAROT NAMAN NETO!

Ok na sana ee. Malamig, me jacket ako. Umuulan, masarap sa pakiramdam. Pero, yung PROCTOR namen, I was annoyed. Err! Ok ung examiner namin, pero ung proctor... Hayyy~ Ako kasi ung nahihirapan sa kania. He can't walk well. Paika-ika. Ee ung room pa naman dun, parang hagdan. Me mga baitang. So nahihirapan siya umakyat pati bumaba. Tapos lagi niang nasisipa yung plastic bag ko! So dahil proctor siya, respeto. :D


ALMS.. ALMS.. SPARE ME A PIECE OF BREAD.. GUTOM NA 'KO!!

After taking the exam, ginutom ako syempre. Magttwelve noon na nung matapos ung exam. Diretso SM North para kumain. Gusto ko ng ispaketi sa jabee. Kaso, PUNO! Lahat puno! SALE kasi sa SM North kaya andaeee super daeeeng tao! Nauwi ako sa food court. 2 pieces of burger steak @ Tropical Hut. Ayan, me pagkain na. Ang tanong, san ako kakain?! Walang bakante amppp! Mga ilang minutes, me mabait na nagpaupo samen sa table nia. KAINAN NAAA!



Madami pa sana. HAHA :))))) Kaso ung iba wag na. Masaya pala yung feeling ng ganun. Halos LAHAT bago. Pag College ka na, ibang iba pag Highschool. Katulad nung feeling ko nung gumradweyt ako and naging highschool. I should be prepared for this new chapter of my life. Kelangan ko na mag-mature. Tama na! Ayoko umabot sa point na i-open ko ung topic about graduating. AYOKO pa! I love highschool! THE BEST!
Nalulungkot kasi tlaga ako pag iniisip ko yun. Kaya wag ngayon, okay? Hihi ^___________^




"NOBODY'S PERFECT. KAYA MAGDALA KA LAGI NG PAMBURA DAHIL MAGKAKAMALI'T MAGKAKAMALI KA DIN."



-Tobleronie :)